Tungkol sa Akin
Kamusta! Isa akong developer na sanay sa paggamit ng C#, JavaScript, at SQL Server. Mahilig akong gumawa ng mga system na maayos gumana mula front-end hanggang back-end. Gusto ko yung simple pero solid—yung alam mong maaasahan.
May pagka-malikhain rin ako. Marunong ako sa photo editing, lalo na pagdating sa product design. Gumagawa rin ako ng mga instructional video na madaling sundan. Mahilig din akong mag-analyze ng websites—chine-check ko kung saan pa puwedeng i-improve pagdating sa performance.
Kung coding man ‘yan, design, o video editing—gusto ko lang talaga yung may ginagawa akong kapaki-pakinabang.